Theme By: Destroyer / Sleepless

MAY SUMAPI SAKING LAMANG LUPA!!!

Kinausap ko na rin ang ex ko ng mahinhin!!!! Yung tipong wala lang!!!

Umaabot rin pala talaga sa puntong mapapatanga ka’t magtatanong, “Yun na yun??” o kaya, ”Minahal ko ba talaga tong gagong to?”

Nagtanong nga siya sakin kung di ko ba kino-consider na himala or coincidence ang pagtatagpo namin sa terminal. Sabi ko naman, maliit lang ang Naga tsaka hindi nya naman ako makikita kung di ko napagpasyahan na pansinin sya.

Nagtanong sya kung wala bang meaning yun sakin. Ang sabi ko, “Baka ibig sabihin okay na ang lahat.”

  1. ang-ex-mong-sagad-sa-kabitteran posted this