Theme By: Destroyer / Sleepless

DI BALE-NTAYNS!

Valentines Day na naman. Putang ina. VALENTINES DAY NA NAMAN! So what? Ano bang meron talaga at nagkakandarapa ang mga tao tuwing Valentines? Kaya bentang-benta ang chocolates, balloons, roses, restaurants, condoms at motels/inns/damuhan/sang-lupalop-kayo-magyugyugan, dahil masyadong nagpaparticipate ang mga tao sa araw na to.

Porket valentines day magsasabihan na kayo ng ‘I love you’ at magbibigayan kayo ng chocolates at roses at balloons at kakain kayo sa candlelit dinner sa isang mamahaling restaurant? Ano ba ang meron???!!!

Di bale na siguro kung ano ang rason sa likod ng Valentines fever at sa pagkakaiba ng araw na ‘to sa kinarami-ramihan ng araw sa taon na ‘to. Di bale na magkaubusan ng chocolates, balloons, roses, restaurants, condoms at rooms sa motels/inns/space sa damuhan/sang-lupalop-kayo-magyugyugan dahil lilipas rin ang hinayupak na araw na ‘to. Di bale na rin na may nakikita akong lovers dahil malay ba natin next year, wala na sila. (BWAHAHAHA >:D)