“Sa pagkakataon na ika’y umibig, kawakasan na ng iyong buhay
Dahil hindi na iikot ang oras at isip mo sa iyong kapakanan
Dahil kung wala siya, lahat ng iyong mga pangarap ay mawawalan ng saysay
Dahil iaasa mo sa iyong minamahal ang iyong kasiyahan at kalungkutan
Dahil hindi lang panahon at pag-aaruga ang kaya mong ibigay,
Dahil mismong kaligayahan nya ang importante, kahit sa proseso ikaw ay nasasaktan
Masakit ang umibig. Kaya ang pag-ibig ay para lang sa mga taong malalakas ang loob.
Dahil handa silang mabutas ang kanilang mga bulsa para sa mga show-off na regalo,
Dahil mahal ang creams, lotions, makeup, gel at rebond na tutulong sayong makabinwit ng gwapo
Dahil alam nila na hahagulhol sila sa sakit sa katotohanang lahat ng bagay ay may katapusan
Dahil susuka sila sa paglaklak ng bake-baketeng serbesa at magwawaldas ng pera sa mga pokpok para lang makalimot
Dahil posibleng magka-infection sila kung hindi sterilized ang ginamit na kutsilyong panlaslas
Dahil posibleng makakuha sila ng STD sa mga pokpok na kanilang nakalikot
Dahil kung nagkataong mag-positive ang pregnancy test, siguradong world war sa pamilya ay wagas o kung di naman, sa bahay nyo ika’y mapapalayas!
Dahil posibleng takasan o talikuran ka ng nakabuntis sayo.
Dahil hahanap ka ng pera - mangungutang o magnanakaw - para sa hilot o sa raspa.
Dahil posibleng ang rason kung bakit anjan pa rin sya ay dahil obligasyon ang tingin nya sayo
O kaya naman dahil wala-na-eh-nadisgrasya-ka-na-nya
Dahil mag-a-ala-ninja ka sa pagbabasa ng cellphone nya, talk show host sa mga kaibigan mong nakakita sa kanyang may ka-holding hands na iba
Dahil patuloy mo pa rin siyang mamahalin kahit may mahal siyang iba”